Saturday, September 13, 2008

Roller coaster

Gusto kong pumikit na lang
Parang sumakay sa Roller Coaster
Yakapin ang sarili
At humanda sa susunod na mangyayari…

Pipikit ka na lang
Dahil ang makikita’y di kaaya aya.
Lahat mahirap tanggapin
Lahat nakakalito

Tapos hihilahin ka pataas
Makikita mo ang buong hiwaga
Ng buhay
Ng lahat, bigger picture ika nga.

Tapos kung kailan kita mo na ang lahat
Saka ka bibitawan
Sisigaw ka, walang makaririnig
Dahil silang lahat sumisigaw rin…

Napakabilis, nakatatanga.
Sobrang bilis, nakakahilo…
Up and down away you go…
Pikit lang – kahit kabado ka pa…

Akala mo tapos na ang lahat
Pagmulat mo, langit na ang bubungad
Sandaling kapayapaan dulot nito
Pero babawiin sandaling maappreciate mo…

Bibitawan ka ulit…
Pagdadaanan lahat ng pinagdaanan mo
Masusuka ka na, dahil ayaw mo na
Lahat ng ito… suko na

Pero walang magagawa…
Pagdadaanan mong lahat
At magugulat ka na lang
Dahil tapos na

Pero ang nakakatawa…
Sa tagal ng iyong pagdurusa
Sa katapusan pala
Dun ka rin babalik…

Parang walang nangyari…
Paos na ang boses
Kay bilis ng lahat
Yakap pa rin ang sarili…

No comments: